125

Sep 23, 2018 @ 21:52
By

Baltazar, Melecio nanguna sa pagtumba ng DLSU sa UE

Napigilan ng De La Salle University ang pagbulusok ng University of the East Red Warriors, 82-72, sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre nitong Linggo, Setyembre 23.

Nakuha ng La Salle ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa ikatlong quarter, 57-37. Naibaba naman ito sa 10 ng UE sa huling bahagi ng ikaapat na quarter sa likod ng tres ni Alvin Pasaol, 77-67.

Hindi na napigilan ng UE ang muling pagbulusok ng opensa ng Green Archers.

“Before the game I told them it will be a great opportunity for us, we’re both rebuilding,” ani La Salle head coach Louie Gonzales.

“We really cannot afford meltdowns especially in the last minutes,” dagdag niya.

Nanguna para sa La Salle sina Justine Baltazar at Aljun Melecio na gumawa ng tig-16 puntos. Nagdagdag naman si Encho Serrano at Jollo Go ng pinagsamang 21 puntos.

Nabuhay naman si Alvin Pasaol sa fourth quarter upang umiskor ng 22 puntos para sa UE.

Sunod na makalalaban ng Green Archers ang University of the Philippines sa Linggo, Setyembre 30, sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?