56

Jun 24, 2022 @ 19:19

Balsy nagalak sa mga dumalo sa 1st death anniversary mass ni Aquino III

Nag-iwan ng mensahe ang kapatid ni dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III na si Maria Elena “Balsy” Aquino-Cruz sa isinagawang misa para sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng kapatid ngayong Biyernes.

“Our family’s story has been compared to a roller coaster many times. We have had lots of highs and probably an equal number of lows.

Our highs would be comparable to yours, but our lows were extraordinary. There were times when we felt like we were a deadly virus, worse than COVID. Our mother bore the brunt of that and later, Noynoy did,” pauna ni Cruz.

Ipinahayag niya na ang mga taong nananatili kahit may problema ay sila ang tunay na kaibigan.

“We learned the hard way that anyone can show up and celebrate with you when you’re up there. But the ones who stay by your side when things are not going your way, they are your genuine friends,” aniya.

Kaya naman itinuring ni Cruz na mga tunay na kaibigan ang mga dumalo roon. Nagpahayag rin siya ng saya sa mga taong nakiisa sa araw ng paggunita sa unang taon ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

“Kayong mga minsa’y pinagsilbihan ni Noynoy na naririto ngayon para gunitain ang anibersaryo ng kanyang pagsakabilang buhay, kayo ang tunay na mga kaibigan. Wala pang naiimbentong pang-uri para maisalarawan sa inyo ang galak ng aming mga puso sa pakikiisa nyo sa amin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?