20
balota
By

Balota na gagamitin para sa BOL plebiscite, ibiniyahe na

Isang linggo bago ang unang araw ng plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL), halos kumpleto na ang pag-iimprenta ng tatlong milyong official ballot na gagamitin sa botohan.

Ayon kay Maria Victoria Dulcero, vice chair ng Comelec Printing Committee, iyon na lamang 600,000 na balota na gagamitin para sa plebisito sa February 6 ang kanilang tinatapos.

Pero nauna na umanong nakumpleto ang 2.1 million official ballots na gagamitin para sa plebisito sa January 21.

Aniya, nito lang nakalipas na Sabado at Linggo ay kanila nang sinimulan ang pagbiyahe sa mga balota na gagamitin sa plebisito.

Ang National Printing Office ang nag-iimprenta ng mga balota.

Samantala, nilinaw naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na mano-mano ang magiging sistema ng pagbibilang sa mga boto.

Ang BOL o Republic Act 11054 na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 26, 2018 ay kinakailangan pang dumaan sa plebisito kung saan pagbobotohan ng mga rehistradong botante sa mga lugar na balak saklawin ng Bangsamoro Autonomous Region kung nararapat ba itong ratipikahan o pahintulutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?