45

Mar 12, 2020 @ 18:56
By

Baloria pasok sa 1000-point leader ng MPBL

Ikaapat si Juneric ‘Jong’ Baloria sa mga manlalaro ng Maharlika Pilipinas Basketball League na nakatuntong sa 1000-point plateau matapos ipasok ang three-pointer sa second quarter ng kanilang game 2 North finals kontra San Juan Knights.

Dahil dito ay kabilang na siya sa listahan ng 1000-point leader scorer kasama ang naunang awardee na si John Wilson ng San Juan, Yves Sazon ng Marikina at ang sariwa pang miyembro ng Davao na si Mark Yee.

Maituturing naman itong blessing para sa 29-anyos cager dahil bukod sa 1000 total career points sa liga ay nagawa rin nilang isalba ang koponang Makati Super Crunch sa game 2 ng best-of-three North Division finals.

“Sobrang laking blessing sa akin. Hindi ko naman inisip eh, kumbaga sabi ko ‘Lord kung bibigyan mo naman sa akin—nasa saiyo na,” kwento ni Jong.

“Bonus nalang kung [ibibigay mo sa akin] basta nag-focus ako sa game namin, gusto ko lang manalo kami. Kahit 2 points [lang] ako ngayon. Sabi ko 2 points, 4 points basta ang importante ay manalo kami. Yun lang ‘a win, is a win’,“ tuluy-tuloy na kwento pa nito.

Aminado naman si 5-foot-11 forward Baloria na naging sandigan din niya ang nakamit na award upang magpursigi pang umiskor sa laban.

Nagtala rin ng 18 total points si Jong. Sampu dito ay mula pa sa payoff period na nagsilbing pambangon para sa koponan matapos silang habulin ng San Juan sa dikdikang laro.

“Stick to [the game] lang ako. Kung ano ginagawa ko, sabi ko continue lang. Siguro kung hindi man ako makakatulong sa offense, sa defense nalang ako bumabawi,” pahayag ni Jong. “Nag-off kasi ako nung 1st game, kumbaga sobrang luwag [ng defense] sa akin ngayon unlike nung last game. Kada pasa sa akin, nasu-shoot ko naman.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?