79

Nov 5, 2019 @ 12:02
By

Baloria, Makati kakamot ng 6th W laban sa Imus

Mga laro ngayon: (Alonte Sports Arena)

4:15 p.m. – SOCCSKSARGEN vs Pampanga

6:45 p.m. – Makati vs Imus

8:45 p.m. – Binan vs San Juan

Mangunguna sa opensiba ng Imus Bandera Khaleb Shawarma si ex-pro Jayjay Helterbrand upang wakasan ang limang ratsada ng Makati Super Crunch sa pagtutuos mamaya para sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Alonte Sports Arena.

Galing sa panalo kontra Rizal nitong Oktubre 21 sa overtime, 79-77, lima Cavite-based squad ang mga nagwagayway ng twin digit points sa pamumuno Francis John Munsayac na naka-16 points, may 15 Rama Krishna Morales at 14 si Jeric Nacpil.

Habang bakas si Helterbrand ng 11 markers at 10 assists, at naglista si Jay-Ar Ng Sang ng 10 points at 9 boards ang 5-13 kartada sa Group B South Division na tama para sa ika-13 puwesto.

Si former pro Juneric Baloria ang titimon sa Makati makaraang kumamot ng 15 points at 8 rebounds kontra Iloilo United Royals upang ipagpatuloy ang pamamayagpag sa 15-3 panalo-talo na kartada sa pagtersera sa Group A North Divison.

Bakbakan rin ang SOCCSKSARGEN Marlins (0-18)-Pampanga Giant Lanterns (12-7) sa alas-6:45 ng gabi, at ang defending Champion San Juan Knights Go For Gold (17-2)-Binan City Laguna (6-13) sa alas-8:45 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?