22

By

Balo ng pinatay na lawyer dismayado sa mga pulis

Sharing is caring!

Dismayado si Clarissa Ramos, ang balo ng pinatay na human rights lawyer na si Benjamin Ramos sa nagaganap na imbestigasyon ng mga pulis.

Ayon kay Clarissa, naisip ng mga pulis na maaaring sangkot ang kanyang asawa sa iligal na pagsusugal.

Dagdag pa niya na sinabi ng mga pulis na may mga taong nagsalaysay na nakita ang kanyang asawa habang naglalaro ng mah-jong bago mabaril noong gabi ng Martes.

“My God. Where did they get this information? My husband didn’t even get enough sleep just helping his clients. What an irresponsible statement!”, sabi ni Clarissa kahapon.

Matatandaang binaril ang kanyang asawa ng tatlong beses noong Martes ng hindi pa nakikilalang mga kriminal.

Umaasa pa rin siya na ang kaso ng kanyang asawa ay hindi magtatapos sa wala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?