77

Jul 9, 2019 @ 14:38
By ,

Ballout Hoops Challenge didribol sa Setyembre 1

Para sa mga organizer ng Ballout Hoops Challenge, isang inter-scholastic basketball program ang pinaka-epektibong paraan para mahasa ang kabataan sa basketball.

Sa pagbisita ni Cris Bautista, founder ng Ballout Hoops Challenge, sa Usapang Sports nitong Huwebes, sinabi nito na mas nag-focus siya sa 10-under para mailabas nito ang mga kakayahan nito.

“Napansin lang kasi namin ‘yung 10-under kids, naiiwan. Nahihilig kasi sila sa gadgets. Sa dami kasi ng liga ngayon, like may 19-under o 16-under, nasabi ko sa sarili ko mag-focus na lang ako sa 10-under,” sabi ni Bautista.

“This way, mabibigyan ng chance ‘yung kids aged 10 and below to showcase their skills at a competitive level.”

Noong Marso nagsimula ang Hoops Challenge habang ang ikalawang season nito ay noong Abril at ngayong ikatlong season ay pagtutuunang pansin ni Bautista ang mga batang may edad-10 pababa.

Si Barangay Ginebra Kings LA Tenorio ang napiling league commissioner habang deputy commissioner si Bambi Sevilla at didribol na ito sa Setyembre 1 sa Blue Eagle Gym sa Ateneo de Manila University grounds sa Quezon City.

Hahatiin sa apat na dibisyon ang mga lalahok – North, East, West at South at ang mga mangunguna sa bawat dibisyon ang maghaharap sa single-round format at top two teams naman ang maglalaban para sa kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?