181

Dec 30, 2018 @ 19:42
By

Balloon drop ng Okada, record-breaker sa basura – Ecowaste Coalition

Umapela ang isang environmental watch group sa Cove Manila na huwag ituloy ang kanilang indoor balloon drop sa pagsalubong ng bagong taon sa Okada Manila, isa sa mga bagong hotel-casino sa Parañaque City.

Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng Ecowaste Coalition, lilikha lang iyon ng sangkaterbang basura na makasisira sa kalikasan.

Balak ng Cove Manila na magbagsak ng 130,000 lobo sa loob ng bagong dome ng Okada para sa New Year’s Eve Countdown Party nito at puntirya nito makapasok sa Guiness World Record.

“The event will be record-breaking for its wastefulness, considering the resources required to make the balloons and to organize the balloon drop for a few minutes of hollow entertainment for those who can afford it,” diin ni Lucero.

Una nang sinabi ng Cove Manila na biodegradable ang mga gagamitin nilang lobo at susundin nila ang mga patakaran para maitapon nang maayos ang papuputuking mga lobo.

Ipare-recycle din umano nila ang mga lobo para mapakinabangan.

Diin ni Lucero, hindi maaring maging biodegradable o nabubulok ang mga lobo dahil yari iyon sa goma.

“Kaya kaysa magkaproblema kung paano idi-dispose ang basura, bakit hindi na lang huwag ituloy,” sabi pa ni Lucero.

“We are particularly concerned with the environmental soundness of inflating and discarding 130,000 balloons for a few minutes of merriment of your highly privileged 3,000 guests, which, after the event, will likely be disposed of at a place where poor people live and work,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?