304

Dec 29, 2018 @ 21:03

‘Balloon Drop’ ng Okada, pinigil ng DENR

Umaksiyon na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa nag-viral na mga panawagan ng netizens na pagpapatigil sa tangka ng Okada Manila na i-break ang world record sa may pinakamaraming lobo na pinakawalan sa New Year’s Eve countdown.

Nitong Sabado, sinabihan na ni Environment Sec. Roy Cimatu ang Cove Manila na huwag nang ituloy ang plano nitong “largest balloon drop” sa Okada dahil malaki ang maidaragdag nito sa problema sa basura ng bansa.

Sa panayam naman ng Inquirer kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, tagapagsalita ng DENR, sinabi nitong hindi sila mangingiming arestuhin at kasuhan ang organizers na magtutuloy sa naturang “balloon drop.”

Ang tugon ng DENR ay matapos imbitahan ng Cove Manila ang publiko na saksihan ang Guinness World Record attempt nito na magpakawala ng nasa 130,000 lobo sa “epic New Year’s Eve countdown party” sa Okada Manila sa Parañaque City.

Iginiit umano ng Cove Manila na itutuloy nila ang naturang event dahil ang mga lobo umanong gagamitin dito ay biodegradable. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?