108
views

By

Ball walang silbi sa Spurs

Sharing is caring!

BUKAS ang San Antonio Spurs sa pakikipag-usap sa Los Angeles Lakers para sa trade kay star forward Kawhi Leonard.

Naniniwala ang Lakers na kapag nakuha si Leonard, mas madali nilang maengganyo na lumipat din sa kanila si LeBron James.

Pinapaganda ng Lakers ang trade offer, naiulat pang handa silang isama si Brandon Ingram sa deal para makuha si Leonard.

Ayon sa Washington Post, pati sina Kyle Kuzma at Josh Hart at future first-round picks ay isasahog ng Lakers para ipalit sa San Antonio.

Pero wala ang pangalan ni Lonzo Ball sa mga lumalabas na report.

Hindi sa ayaw i-trade ng Los Angeles ang 20-anyos na si Ball, No. 2 pick nila noong 2017.

Ang siste ay hindi raw interesado ang Spurs kay Ball.

Hindi pa raw hinog si Ball para maging impact player. Kilala ang Spurs na humuhugot ng players na alam nila kung paano gagamitin, at mukhang hindi sakto rito si Ball.

Gumagawa rin daw ng paraan ang Lakers na makakuha ng first-round pick mula Denver Nuggets para mas maging kaaya-aya sa San Antonio ang offer. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?