64

Oct 20, 2017 @ 21:27

Ball iginapos sa NBA debut

Buong gabing inasawa ni Patrick Beverley si Lonzo Ball, sa magkabilang dulo pa ng court.

Tahimik ang NBA debut ng Los Angeles Lakers rookie point guard na si Ball, hindi pinaporma ng isa sa pinakamakulit dumipensa sa liga na si Beverley ng Los Angeles Clippers Huwebes ng gabi sa Staples Center sa LA.

Ibinaon ng Clippers ang Lakers 108-92 sa likod ng 29 points ni Blake Griffin at 14 points, 24 rebounds ni DeAndre Jordan.

Tumapos lang si Ball ng three points, pero may nine rebounds at four assists kontra two turnovers.

“Beverley’s as good as anyone, if not the best, at the point guard position at getting into other people and getting under their skin,” puna ni Lakers coach Luke Walton.

Sa kabila nito, impresibo pa rin kay Walton ang inilaro ng 19-anyos na si Ball kahit ang 3-pointer lang niya sa second quarter ang naipasok – first points ng kanyang career – at sumablay sa limang iba pa.

Tapos na ang isa, may 81 games pa sa regular season si Ball, No. 2 overall pick ng Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?