53
renaldo-balkman
By

Balkman puwede pa sa Alab

Mabuting balita para sa San Miguel Pale Pilsen Alab Pilipinas.

Makakabalik aksiyon matapos ideklarang makakapaglaro ang isa sa world import nito na si Renaldo Balkman ng Puerto Rico matapos maging Grade One ankle sprain lang ang nakuha nito sa krusyal na laro noong Miyerkoles kontra CLS Knights Indonesia sa 8th ASEAN Basketball League (ABL) 2018 eliminations.

Sinabi kahapon ni Alab Pilipinas team owner Charlie Dy, na nagtamo lang ng mild injury si Balkman nang matapakan ang paa ng isang manlalaro ng CLS Knights bago matapos ang unang hati ng labanan sa Caloocan City Sports Complex.

Gayunman, sinabi ni Dy na depende na kay Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag kung paglalaruin si Balkman sa nakatakdang importanteng laro kagabi kontra Indonesians sa Sta. Rosa City Sports Center, Laguna.

Nagtala ang Puerto Rican reinforcement ng 12 puntos, walong rebound at limang assists bago nagka-injury.

Kasalukuyang nasa pang-apat ang PHL quintet sa 13-6 win-loss record. Uno-dos-tres ang Chong Son Kung Fu China (14-5), Hong Kong Eastern (13-5) at Mono Vampire Basketball Club Thailand (14-6).

Ang dalawang mamamayagpag na team tapos ng 20-game eliminations ang may automatic Final Four berths. Samantalang labu-labo ang pangatlo hanggang pang-anim na puwesto sa dalawang pang semifinals slot via best-of-three quarterfinals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?