81
balkman2
May 15, 2018 @ 16:20

Balkman, ibabandera ulit ng Beermen

Wala man sa practice nitong Martes si Renaldo Balkman sa San Miguel Beer, nakatakda na umano itong sumalang sa koponan kapalit ni Troy Gillenwater sa PBA Commissioner’s Cup.

Hindi na kasi nagpakita pa si Gillenwater sa practice matapos mapatalsik sa laban ng San Miguel kontra Rain or Shine sa Antipolo City noong Linggo.

Naging import na ng SMB (Petron Blaze noon) taong 2013 si Balkman pero na-ban ng PBA dahil sa pananakal nito sa teammate na si Arwind Santos matapos hindi magustuhan ang tawag ng reperi sa kanya laban sa Alaska.

Nitong Marso ay tinanggal na ni PBA commissioner Willie Marcial ang lifetime ban na ibinigay noon ni dating PBA commissioner Chito Salud laban kay Balkman kaya’t nakapaglaro na ito sa Gilas Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?