0
views

By

Balkman ‘happy’ sa kanyang PBA comeback

Sharing is caring!

Dagdag motibasyon para sa San Miguel Beermen ang pinagdaanan ni import Renaldo Balkman sa asam ng Beermen na maituloy ang sunod-sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Matapos ang kanilang 106-102 victory laban sa TNT KaTropa Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum, sinabi ni San Miguel forward Arwind Santos na alam ng kanilang bawat player kung gaano ka-importante para kay Balkman ang makuha ng koponan ang mid-season conference title.

Napalapit naman ang Beermen sa kanilang asam na title defense nang patalsikin nila ang TNT na nagbigay sa koponan ng Final 4 appearance kalaban ang Alaska Aces sa isang best-of-five affair.

Taong 2013 nang napatawan ng lifetime ban ng PBA si Balkman matapos nitong sakalin si Arwind Santos sa elimination round ng Commissioner’s Cup kontra Aces.

“Si Renaldo kaya bumalik ‘yan, dahil gusto niya linisin ‘yung mga pangit na nangyari sa kaniya. Ako bilang teammate niya, natutuwa ako sa kaniya dahil ibang-iba na siya,” ani Santos.

“Pala-ngiti na hindi katulad dati na seryoso. Hindi mo makausap maliban sa hirap kausapin sa English. Ngayon kahit paano, nakakausap mo dahil nakangiti palagi.

Masaya naman si Balkman sa kaniyang PBA comeback.

“I got a great group of guys, man, they’re great. They push me everyday. There’s no one man in the team. We’re doing it together right now,” ani Balkman.

“It was a blessing for me to come back in the PBA and to win it, it’s even a better blessing for me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?