46

By

Balkman, busilak ang kalooban: Pusong Pinoy!

Dugong Puerto Rican. Pero may pusong Pinoy!

Pakiramdam ni San Miguel import Renaldo Balkman, masyado siyang pinagpapala ng Panginoon dahil nagkampeon siya sa ABL, nakabalik sa PBA at lumalaban para sa korona ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Kaya naman, ibinabalik niya ang mga natatanggap na blessings sa mga kabataan.

Isang charity program, “BALKMANIA CARES presents Giving Back Program to the Children of ALAY PAG-ASA CHRISTIAN FOUNDATION” ang pinapatakbo ngayon ng 34-anyos na first round draft ng New York Knicks sa NBA taong 2006 at pinagkakaabalahan din ng basketbolista kapag wala itong laro sa San Miguel Beermen.

Naglalayon itong makalikom ng mga school supply, mga laruan at donasyong pera na ipamimigay naman ni Balkman sa mga kapus-palad na kabataang estudyante.

Sa kanyang Instagram post na rbalkman, sinabi ng manlalaro na “I’ve been in the Philippines for longs months now, and y’all have shown me nothing but love! It’s that time that I give back. #BalkmaniaCares Foundation presents #GivingLoveBack to the orphans of Alay Pag-Asa Christian Foundation. A time to spend time with the kids, get to know them, play, gift-giving and feeding program. This Foundation is housing 50+ children. If any of you wants to donate anything for the kids, please let me know or contact the number posted. We’re taking donations until Friday. Anything for the kids will help and will be greatly appreciated. Let’s spread love and #GiveBack #balkmaniaworld #philippines.”

Puring-puri naman ng mga netizen at SMB fans ang kabutihang-loob nito.

Sabi ni rgsportswearnyc????????????????????????, “love what your doing out there big bro!!! @rbalkman keep inspiring and changing lives!!! You have venom.”

Si Instagram user smilingpepper, natuwa rin kay Balkman. “Not just a hoops man, but a man that has a big heart, too. This is why I’m one of your fans! Keep it up and good luck on Game 3! Go, SMB!!!”

“This is so nice! ?? big man with a big heart!,” ang sabi ni Instagram user lykeeme.

Pahabol ni __crismolina, “#salute #biggerthanbasketball.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?