127
balkman

Balkman binuhat ang Alab kontra HK

Sharing is caring!

Napatumba ng bataan ni coach Jimmy Alapag na San Miguel Alab Pilipinas ang No. 1 na Hong Kong Eastern, 98-94, noong Miyerkoles ng gabi sa Asean Basketball League semifinals sa Southorn Stadium sa HK.

“To be the best, you have to beat the best,” ani Alapag matapos manalo ang Alab.

Pinangunahan ni Renaldo Balkman ang opensa ng Alab sa pagbuslo ng 46 points para sa masikwat din ang homecourt advantage sa susunod na laro.

Nahigitan ni Balkman ang 45 points na ginawa noon ni dating Singapore import Justin Howard.

Maaari nang maiuwi ng Alab ang serye sakaling manalo sa Linggo sa Sta. Rosa Multipurpose Complex sa Laguna at makatuntong ng finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?