331

Aug 11, 2020 @ 21:26
By

Baliktad na! China hinigpitan pagbiyahe ng mga Pinoy

Kung dati’y Pilipinas ang maingat sa pagtanggap ng mga turistang galing China, ngayon ay nabaliktad ang sitwasyon.

Ayon sa pahayag ng Chinese Embassy sa Maynila, kinakailangan na magpakita ng negatibong COVID-19 result ang sinumang biyahero na manggagaling sa Pilipinas, limang araw bago ang flight.

Saad sa advisory ng Embahada, magiging epektibo ito sa August 20.

“In accordance with the joint announcement of the Civil Aviation Administration, the General Administration of Customs and the Ministry of Foreign Affairs of China, starting from 20 August 2020, Chinese and foreign travelers who are to fly from the Philippines to China are required to take nucleic acid tests for COVID-19 within five days before boarding and only those who test negative will be allowed to board the plane,” lahad ng Chinese embassy.

Ito’y dahil nahigitan na ng Pilipinas ang COVID-19 case kumpara sa China, kung saan mismo nanggaling ang virus.

Sa ngayon ay mayroon ng 139,538 confirmed case ng COVID-19 sa Pilipinas, numero uno sa SOutheast Asia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?