205

Nov 2, 2017 @ 14:24

Balikbayan box nalimas ng akyat-bahay

Hindi pinatawad ng mga nanloob sa isang bahay sa Parañaque City pati ang laman ng balikbayan box.

Base sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw ng Undas nang madiskubre ang panloloob sa bahay ni Ma. Victoria Langit, 52, sa Papa Rio St., Barangay San Dionisio.

Ayon sa pulisya, gamit ang martilyo at iba pang gamit, puwersahang binuksan ng mga nanloob ang harapang pinto ng bahay.

Hinalukay ang mga bagahe ng balikbayang biktima at tinangay ang isang laptop, dalawang iPhone, 10 relo, anim na bag, pitong pabango, dalawang mic at mga tsokolate.

Nabatid na marami sa mga natangay ay pasalubong ni Langit.

Hinihinala na alam ng mga suspek na balikbayan si Langit at may bitbit itong mga pasalubong. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?