16
balikatan
By

‘Balikatan’ sesentro sa pagresponde sa man-made calamities

Sharing is caring!

Layon umano ng gaganaping “Balikatan” exercises ang pagpapalakas ng mga Filipino at Amerikano sa pagresponde sa mga insidente ng natural at man-made na kalamidad sa Pilipinas.

Ayon kay “Balikatan 2018” public information officer Lt. Liezl Vidallan, noong nakaraang taon ay nagpokus lang umano sila sa natural calamity kaya ngayon ay magsasanay din sila sa paghahanda sa mga man-made calamities.

Magsisimula ang “Balikatan” sa Mayo 7 na tatagal ng Mayo 18.

Noong nakaraang taon ay nasa 2,800 Pinoy na sundalo; 2,600 Amerikano; 80 miyembro ng Australian Defense Forces; at 20 mula sa Japan Self Defense Force ang nagpartisipa sa “Balikatan” exercises pero ngayong taon ay tumanggi ang opisyal na magbigay ng eksaktong bilang ng mga sasali sa nasabing pagsasanay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?