balikatan1
By

Balikatan exercises, umarangkada na

Sharing is caring!

Nagsimula na ngayong araw ang ika-34 na Balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Ayon kay Lt. Liezl Vidallon, Balikatan Public Affairs Director, mas paiigtingin nila ang pagsasanay ng mga sundalo na lalahok sa Balikatan.

Sesentro kasi ito ngayon sa mga man-made calamities katulad na lamang ng chemical attack.

Bukod dito, tututok din ang exercise sa counter terrorism, humanitarian assistance at disaster response.

Maliban sa Estados Unidos, makikibahagi rin ang Japan at Australia sa major events ng Balikatan.

Tatagal ang Balikatan exercises hanggang Mayo 18 na gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tinataya namang nasa 5,000 na sundalo mula sa Pilipinas at 3,000 mula sa Estados Unidos ang makikiisa sa Balikatan 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?