abante-tnt-vismin-balikatan-2018-army
By

Balikatan 2018, may kapaki-pakinabang na resulta – Salamat

Sharing is caring!

Dinaluhan ng mga matataas ng opisyal ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang closing ceremony sa ika-34 na Balikatan Exercise.

Ayon kay Lt. Gen. Emmanuel Salamat, Philippine Balikatan Exercise Director, natapos ang mahigit isang linggong Balikatan sa bansa na may kapaki-pakinabang na resulta para sa mga sundalong Filipino at Estados Unidos.

Nakatulong din aniya ang Balikatan Exercise sa mahihirap na residente sa Northern Luzon dahil sa pamamagitan ng pagsasanay nakapagtayo ng limang bagong classrooms ang mga sundalong Filipino, Amerika at ilang mga sundalong Japanese at Australian na kasama sa Balikatan Civic Activities.

Nakapaglagay din sila ng drainage systems, sidewalks at water catchment systems sa mga piling eskuwelahan sa Northern Luzon.

May medical missions at spiritual enhancement activities din sa mga lugar na isinagawa ang mga pagsasanay.

Siniguro naman ng pamunuan ng AFP at US Armed Forces na magpapatuloy ang magandang samahan sa pamamagitan ng Balikatan Exercise.

Ang isinagawang Balikatan Exercise 2018 ay itinuon sa mutual defense, counter-terrorism, at humanitarian assistance and disaster. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?