10

Sep 6, 2020 @ 23:30
By

Balik Utah malabo pa! Clarkson nanamnamin ang free agency

Sa unang pagkakataon sa simula noong ma-draft siya taong 2014, papasok na si Jordan Clarkson sa free agency kung saan malaya na siyang makakapili ng koponang paglalaruan.

At paniguradong maraming team ang naglalaway na makuha ang serbisyo ng Fil-Am guard, una na sa listahan ang kanyang pinanggalingan na Utah Jazz.

Sa ilang buwan na stint ni Clarkson sa Utah, pinatunayan nito na isa siya sa mga instant offense na manlalaro pagkagaling sa bench.

Sa unang playoff series ni Clarkson bilang reliever ng star player na si Donovan Mitchell, nag-average ito ng 16.7 points, 3.4 rebounds at 2.1 assists sa loob ng 28.6 minutes, at tumikada din ng 46.4 percentage sa field at disenteng 34.7 percent sa three-point land.

Kaya naman todo puri kay Clarkson ang head coach ng Utah na si Quin Snyder, na bilib kung gaano kadaling turuan ang manlalaro.

“It’s not often as a coach that you get to coach a guy that’s as authentic as he is and I love coaching him,” paglalarawan ni Snyder kay Clarkson.

Ngunit alam ng 28-year old baller na negosyo pa rin ang NBA, at nais niyang pag-isipang mabuti kung ano ang kanyang priority sa parating na offseason.

“I can’t tell the future,” lahad ni Clarkson. “I know I had a great experience here, great time here. I love my teammates here, so definitely see what happens. You know, it’s kind of my first time actually going into a free agency, definitely a whole new experience for me.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?