589

Oct 31, 2018 @ 20:10
By

Balik-tambalan nina Tan, Soriano nagbunga ng 2nd BVR crown

Maganda ang naging muling pagsasama ng long-time partner na sina Bea Tan at Charo Soriano matapos magtagumpay sa Beach Volleyball Republic On Tour.

“Capped off this weekend with a gold! Thank you Bea Tan for dragging me out of my recovery slump and for trusting me to always give my best. ‘Til the next one,” sabi Soriano.

Inungusan nina Soriano at Tan sina Dzi Gervacio at Roma Doromal ng Perlas, 21-16, 21-19, sa finals para sa malinis na 6-0 kartada tungo sa ikalawang BVR title na ginanap sa Lio Beach sa El Nido, Palawan.

“Happy to take home the win in the BVR on Tour El Nido. Super happy that you’re back playing and killing it,” sabi ni Tan kay Soriano.

Sa semifinals, sinisiw lang ng defending champions sina Sydney Eleazar at Paulina Ong ng Lio Crusaders, 21-10, 21-7, upang makaharap sina Gervacio at Doromal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?