156
abante-tnt-vismin-pokwang
By

Balik showbiz ni Pokwang hinaharang

Sharing is caring!

Marami ang nagulat sa tweet ni Pokwang tungkol sa humaharang sa kanya na magbalik trabaho. Aminado si Pokwang na gusto na niyang umarte ulit, kumita, at mabuhay siyempre alang-alang sa pamilya niya ‘yon.

“Gusto ko lang naman maghanapbuhay ng marangal, at bilang nais ko lang din magbalik hanap-buhay para sa mga anak ko, bakit parang may humaharang? Inaano ko ba kayo? Kakalungkot naman,” sabi ni Pokwang.

Humamig naman ng suporta si Pokwang sa mensahe niyang `yon, at sinabihan siya na ipagdasal ang mga taong naiinggit sa kanya.

Love Beige: “Kung sino man yang humaharang na yan ay may kalalagyan din yan, hindi pinagpapala ang mga nang aapi ng kapwa”

‏@DiDi023 “May mga nilalang sa mundo na ganyang ang ugali.. alam ko malines ang puso mo kaya blessed ka ni lord sa lahat ng bagay.. tignan mo na lang si malia everyday para hindi ka ma ines sa mga talangkang utak..

naomi torrado‏ @owiechoco “Grabe nmn sya!! Hayaan mo ma’am d nmn mgttagumpay ung mga ganyan… basta positive ka lang.”

Jemelee V. Onnagan‏ @justine_angel16 “Do what makes you happy. Don’t mind them wala ka naman tinatapakan tao.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: