121

Jan 17, 2020 @ 21:58
By

Balik sa tuktok! Ginebra kampeon sa PBA Gov’s Cup

Matapos mapakawalan ang tropeo noong nakaraang season, muling nagbalik sa trono ang Barangay Ginebra San Miguel.

Giniba ng Ginebra ang Meralco sa pangatlong sunod na laro, 105-93, sa Game 5 ng 2019 PBA Governors’ Cup Finals nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena.

Sa fourth quarter ay humarabas ang Ginebra, kumawala sa fourth quarter sa pagpapakitang-gilas nina Justin Brownlee, Japeth Aguilar at Stanley Pringle.

May 25 points, walong rebounds at apat na blocks si Aguilar, habang ang nasilat naman sa Best Import award na si Brownlee ay umayuda ng 24 points, pitong rebounds at 10 assists.

Nagbuhos naman ng 17 markers at walong dimes si Pringle para kunin ang kanyang unang kampeonato sa PBA.

Samantala, nakuha naman ni Ginebra coach Tim Cone ang kanyang ika-siyam na kampeonato sa Governor’s Cup na nanatili sa tuktok ng nasabing conference.

Nanguna si Allen Durham para sa 29 points, 21 rebounds at walong assists, nakatuwang si Baser Amer na may 17 markers, four rebounds at four assists.

Ginawaran naman bilang Finals MVP si Japeth Aguilar, ang una sa kanyang PBA career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?