16

Mar 12, 2021 @ 20:44
By

Balik sa ‘square one’! Villanueva dismayado sa Metro Manila curfew

Inamin ni Senador Joel Villanueva ang pagkadismaya niya sa muling pagpapatupad ng maagang curfew hours sa National Capital Region (NCR) dahil sa pagsipa ng COVID-19 infections.

Bagama’t hindi siya tutol sa napagkasunduan ng mga Metro Manila mayor, sinabi ng senador na: “It is so disappointing to note that it’s been a year, we could hardly see ‘yong paglukso, jump, para iwanan o makipag-split tayo sa COVID.”

Dagdag niya, “dagdag burden” pa rin kahit exempted sa curfew na 10PM hanggang 5AM ang mga essential worker.

“If I would say na ito ay hindi makakaabala, ‘di ba, na kahit ‘yong hihinto ka lang, kukunin mo ‘yong ID mo, papakita mo, kung nagdududa ‘yong nagtitingin ng ID mo — again, while we like that, it’s still a hassle,” paliwanag niya sa isang online press briefing nitong Biyernes.

“Nakakalungkot, we are not moving forward. We’re back to square one,” himutok pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?