79

Nov 5, 2018 @ 15:01

Balik ring! Mayweather lalaban sa Japanese MMA fighter

Itataya muli ni Floyd Mayweather ang kanyang malinis na record, at sa pagkakataong ito ay sa isang mixed martial artist.

Makakaharap ni Mayweather ang Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa RIZIN Fighting Federation.

Inanunsiyo ito ng Japanese MMA organization, nitong Lunes. Magkakaroon naman ng ‘special rules’ para sa bakbakan na gaganapin bago magpalit ng taon, sa Saitama Super Arena.

Tila pahiwatig din ni Mayweather ang event na ito sa kanyang post sa Instagram na may suot pang RIZIN kickboxing gloves.

View this post on Instagram

December 31st 2018 #Tokyo

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on

Matatandaan na ang retired na 41-year old na boksingero ay muling sumabak sa ring noong August 2017 sa laban nito sa UFC fighter Conor McGregor.

Nanalo si Mayweather via knockout na nagpataas ng kanyang kartada, 50-0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?