8

Sep 16, 2020 @ 15:21
By

Balik-probinsya sa Region 6 tuloy na uli

Inalis na ng Inter-Agency Task Force ang pansamantalang suspensiyon ng inbound travel sa mga pauwing residente ng Region 6 o Western Visayas.

Nakasaad sa IATF Resolution No. 71 na pwede nang bumalik ang mga residente ng Iloilo City, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, at Antique.

Pinunto rin ng task force na ang alinmang hiling para sa “imposition, extension and lifting” ng mga moratorium ng mga lokal na gobyerno ay pagdedesisyunan ng Regional Inter-Agency Task Force at ipatutupad ng National Task Force.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?