144

Oct 5, 2021 @ 16:01
By

Balik politika! Noli de Castro tatakbong senador

Kakandidato muli sa pagka-senador ang batikang broadcaster na si “Kabayan” Noli de Castro.

Sa ipinadalang text message sa Abante, kinumpirma ito ni De Castro at maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Biyernes, October 8.

“File na ako ng COC this Friday after the 9am mass sa Quiapo. Thank you,” saad ni De Castro.

Tatakbong independent si De Castro pero sa ilalim ng tambalan nina Manila Mayor Isko Moreno at Doc Willie Ong.

Una siyang naluklok na senador noong 2001, matapos ay naging ika-12 vice president siya ng Pilipinas mula 2004 hanggang 2010 sa Arroyo administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?