9

Sep 15, 2020 @ 16:53

Balik ng PBA depende sa gobyerno – Marcial

BANTA pa rin ang COVID-19 sa tangka ng PBA na ituloy ang season, pero positibo si commissioner Willie Marcial na masa-salvage ang 45th season sa pamamagitan ng Philippine Cup.

Nagluwag ang social distancing sa Metro Manila, posibleng papunta na sa direksiyon na papayagan ang scrimmages at close contact practices sa team sports.

Sa Huwebes ay magpupulong ang Board para isa-pinal ang desisyon kung saan at kung ano’ng klase ng bubble ang itatayo, at kung paano ang tournament format.

Pero may paglilinaw si Marcial.

“Depende pa rin sa gobyerno. Dapat payagan tayo, ‘di ba?” aniya.

Lumuluwag kahit paano, pero may mga bagay na hinay-hinay muna.

Plano ng liga na makalaro na ng Oct. 9 kapag hindi na lumala ang panganib ng COVID-19.

Ang tuloy sa ngayon ay ang meeting ng Board para i-finalize ang plano.

“Go pa rin,” wika ng commissioner. “’Di pa naman tayo dini-deny ng IATF. Wala namang sinasabing official sa amin, so hoping pa rin talaga ako.”

Nag-request ang PBA sa IATF na payagan na ang full-contact scrimmages kasunod ng individual workouts na nagsimula noong Aug. 25. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?