29

Jul 20, 2021 @ 15:51
By

Balik NCR Plus bubble pag-aaralan ng IATF

Nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kaugnay sa mungkahing muling magpatupad ng “bubble policy” sa NCR Plus sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta variant.

Sabi ni Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing, magkakaroon ng pagpupulong ang IATF sa Huwebes, July 22.

“Bibigyang tugon namin ‘yang suggestion ng OCTA Research. Magkakaroon po tayo ng IATF meeting ngayong Huwebes at masasama po ‘yan sa ating agenda para mapag-usapan,” pahayag ni Densing sa Laging Handa briefing.

Noong Lunes ay iminungkahi ng OCTA Research ang pagpapatupad muli ng bubble policy sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o NCR Plus.

Ani OCTA fellow Dr. Guido David, naging epektibo noon ang bubble policy sa NCR Plus nang sumirit ang kaso ng COVID-19 at naiwasang kumalat sa mga kalapit na lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?