42
sherwin-gatchalian
Oct 17, 2017 @ 12:36

Balik-integridad ng war on drugs, hamon sa PDEA

Malaking hamon sa gobyerno partikular sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na patunayan ang integridad ng anti-drug campaign nito.

Ito, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, ay sa kabila ng resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing 88% ng mga Filipino ang patuloy na sumusuporta sa krusada ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Gatchalian, na nangangahulugan ito na sa kabila ng oposisyon ng iilan ay mayorya pa rin ng mamamayan ang nagbibigay-kapangyarihan sa gobyerno na ipatupad ang kampanya kontra droga.

“The overwhelming public support for the government’s drug war — despite the staunch opposition of a vocal, but apparently small minority — provides the Duterte administration with a crystal-clear mandate to continue the campaign against illegal drugs with renewed vigor,” saad ni Gatchalian.

Ang hamon na lamang aniya ngayon ay isagawa ang kampanya nang may integridad at maiiwasan ang pagdanak ng dugo.

“The challenge we now face is to continue the war on drugs in a way which will inspire public confidence in the integrity of law enforcement authorities and avoid unnecessary bloodshed,” dagdag ng senador.

Maaari aniya itong gawin sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga reporma na magpapakita ng transparency at accountability at protektahan ang constitutional rights ng drug suspects at mga inosenteng sibilyan. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?