66
kennedybryan
Apr 25, 2018 @ 18:21
By

Balik-finals asinta ni Bryan, F2 Logistics

Mga Laro Ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
4:15 pm – F2 Logistics vs Foton
7:00 pm – Petron vs Cocolife

Pinuntirya ng F2 Logistics at Petron na mag-date ulit sa finals.

Pero bago iyun, kailangan muna nilang dispatsahin ang mga karibal sa Game 2 ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three semifinals ngayong araw sa Filoil Flying V Centre.

Ititiklop na ng Cargo Movers ang serye kontra Foton sa 4:15 pm tulad ng pakay ng Blaze Spikers sa 7:00 pm encounter kontra Cocolife sa torneong pinopondohan ng Isuzu at UCPB Gen katuwang ang ESPN5 na official broadcast partner.

Kasunod ng pagrereyna sa Grand Prix kontra Petron noong isang taon, nakaporma na sa panibagong best-of-three finals trip ang F2 Logistics kasunod ng four-set victory sa Foton Martes 25-22, 25-23, 22-25, 25-22.

Bumulaga sina import Kennedy Bryan at Maria Jose Perez sa pagkayod ng
15 at 14 markers. “It’s still a long way to go,” litanya ni F2 Logistics coach Arnold Laniog, pansamantalang hahalili kay De La Salle University mentor Ramil de Jesus.

Nais ding bumalik sa finals ng torneong suportado ng Senoh, Mikasa, Asics, LGR at Grand Sport bilang technical sponsor ang Petron.

Tindig hanggang dulo ang Blaze Spikers sa kabila ng pagpapahirap nina Serbian Marta Drpa at Sara Klisura tungo sa 25-18, 23-25, 25-16, 25-23 controversial win kontra Cocolife sa Game 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?