16

Aug 12, 2020 @ 14:54
By

Balik eskuwela gawing Oktubre – Tolentino

Hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang Department of Education (DepEd) na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa Agosto at gawin na ito sa Oktubre, alinsunod sa Republic Act No. 11480.

Pinaalalahanan din ng senador ang ahensiya na may 168 oras lang sila para magbuo ng implementing rules and regulations of the law nang sa gayon ay maipatupad ang nasabing batas.

Ginawa ni Tolentino ang panawagan sa pagdinig ng Senate basic education committee sa gitna ng public sentiment sa hamon ng distance education at online learning na hindi pa napaplantsa ng ahensiya hanggang sa ngayon.

Iminungkahi pa nito na gawing regionalize na lang ang pagbubukas ng klase.

“It will be wise perhaps for DepEd to consider opening classes on a per regional health and connectivity situation basis,” sabi ni Tolentino.

“Not only will students’ health and safety be safeguarded, but as well as the welfare of teachers who will be forced to deliver the modules to students’ homes or at the very least report to school for the distribution of modules to parents,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng RA 11480, na nilagdaan noong Hulyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinapayagan nito ang Pangulo na magtakda ng ibang petsa ng pagsisimula ng pabubukas ng klase sa bansa sa panahon ng kalamidad o emergency.

Kinuwestiyon ni Tolentino ang kahandaan ng DepEd sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Agosto 24 kung saan hindi kumpleto ang pamamahagi ng modules.

Hindi pa rin maayos ang koneksiyon ng internet gayundin sa iba pang ‘tool for learning’, halos dalawang linggo bago ang class opening.

“Forcing schools to open this August will only defeat the purpose of education. Let us accept the fact that we are not fully ready, and it will not be wise, to simultaneously open School Year 2020-2021,” sabi ni Tolentino.

“Not only will postponement of school opening favor teachers and learners. The prevailing health, livelihood, and internet connectivity situations should all be considered by DepE,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?