19

Oct 31, 2020 @ 22:10
By

Balik aksyon pinaghahandaan ni Cone

Smart Clark Giga City – Positibo at negatibo ang magiging epekto ng postponement ng mga laro ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Maganda dahil magkakaroon ng pagkakataon ang players na maka-recharge habang break.

“In some respect, it will help us save our legs a little bit,” ani Ginebra coach Tim Cone. “But eventually you have to make it up and it’s going to be maybe doubly as hard.”

May teams na tatlong beses isang linggo kung sumalang sa Smart 5G-powered AUF gym.

Pero kalaunan, mabubugbog din dahil kailangang isiksik ang mga kinanselang laro sa natitirang schedule. Ibig sabihin nito ay mas marami pang triple-header sa bawat game-day ang parating.

Kung itutuloy naman sa double-header, uusod na sa target date na hanggang December 15 matatapos ang nag-iisang torneo ng Season 45.

October 31 sana ang unang triple-header pero Biyernes ay tinigil na ang mga laro habang hinihintay ang bagong protocols na manggagaling sa IATF at DOH.

Habang walang protocol, walang laro. Tengga lang muna ang buong PBA delegation sa Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport and Economic Zone.

“We’re playing four games this week, and we could end up having more in the future,” suma ni Cone.

Sabado ay lalagutin sana ng Gin Kings ang pagkakabuhol sa San Miguel Beer sa 4-2. Ngayon ay maghihintay muna sila. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?