54
lindol-earthquake
Jul 16, 2019 @ 14:26
By

Bali niyanig ng magnitude 6 na lindol

Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Bali nitong Martes (July 16) ng umaga.

Nagdulot ng pinsala ang naturang lindol sa entrance ng Nusa Dua hotel at sa ilan pang mga building. Wala naman umanong nasaktan at wala ring inisyung tsunami warning.

Naganap ang pagyaning dakong alas-8:18 ng umaga sa 83 kilometro hilagang-kanluran ng Nusa Dua. Nadama ang lindol sa Bali, sa Lombok Island at sa ilang bahagi ng East Java.

“There is no threat of a tsunami. People should remain calm and not panic,” saad ni Bali Disaster Mitigation Agency (BPBD Bali) head Made Rentin.

Tinatayang 5 minor aftershocks ang nadama sa Jembrana.

Samantala, inaalam pa ng BPBD Bali ang kabuuang pinsala na dulot ng lindol.

“We are assessing and collecting data of the impacts of the earthquake,” saad ni Rentin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?