92

Oct 28, 2018 @ 14:16
By

Balewala ang war on drugs kung walang napaparusahan – Alejano

Malayo umanong magtagumpay ang kampanya ng administrasyon kontra iligal na droga hangga’t patuloy na napalulusutan ang mga ahensya ng gobyerno.

Ito ang binigyang diin ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, kasunod ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin at palitan ang mga opisyal ng Bureau of Customs dahil sa naipuslit na tinatayang P11 bilyong pisong halaga ng shabu sa BOC sa pamamagitan ng mga magnetic lifter.

“Papaano magiging makatotohanan ang war on drugs kung hinahayaan naman ang pagpapalusot ng tone-toneladang shabu? We cannot expect the war on drugs to succeed if officials themselves are not held accountable for their blunders,” sabi ni Alejano.

Ayon sa kongresista, nakagawian na ng administrasyong Duterte na inililipat lamang sa ibang ahensya ang mga opisyal kapag merong kapalpakan sa ahensyang kanilang hinahawakan.

Binigyang diin nito na hindi solusyon sa problema sa isang ahensya ang pagpapalit lamang ng namumuno kundi ang pagsasaayos ng sistema para mawala ang talamak na katiwalian.

“It has been the practice of the Duterte administration to just transfer erring officials to another government post without holding them accountable for their actions. This encourages and perpetuates impunity and corruption in government. Moreover, constant changing of leadership does not help in setting a clear direction for policy implementation,” ani Alejano.

Una rito, pinuna ng ilang kritiko ang paglipat kay dating Customs commissioner Isidro Lapeña sa TESDA na anila’y mistulang nabigyan pa ng reward sa halip na papanagutin sa kapabayaan sa kanyang tungkulin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?