21
Baldwin namumurong PH Youth coach
By

Baldwin namumurong PH Youth coach

Sharing is caring!

Kasunod ng magkadikit na kampeonato sa Ateneo noong nagdaang dalawang taon, mataas ang tsansang si Blue Eagles head coach Tab Baldwin ang susunod na magtitimon sa youth national basketball team ng Pilipinas.

Si Baldwin ay dati nang naging head coach ng Gilas program, giniya ang PH nationals sa gold medal noong 2010 Fiba Stankovic Cup at silver medal finish naman sa 2015 Fiba Asia championships.

Saad ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio, kanilang ginagawa ang makakaya upang maiangat ang kalidad ng basketball sa bansa, isa sa mga unang hakbang ang pagkakaroon ng maayos na table of organization para klaro ang bawat tungkulin ng bawat isa.

“The SBP’s vision is to be recognized in the regional and global levels as a world-class national governing federation,” ayon kay Panlilio.

“We are solidifying SBP and we’re excited to involve our regional directors in moving forward. We are strengthening our organization to be able to function effectively with our accountabilities,” dagdag pa nito.

Kapag naisapinal na ang pagsali ni Baldwin sa PH team, kanyang makakasama sa pool of coaches sina Yeng Guiao bilang men’s national coach, Patrick Aquino bilang women’s national coach, at si Ronnie Magsanoc naman sa 3×3 program.

Ang iba pang in-appoint ay sina Rebo Saguisag bilang head ng SBP Technical Commission program at Oscar Moreno Jr. bilang deputy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?