23

Jun 16, 2020 @ 12:25

Baldwin hindi dapat tumalak – Victolero

SI Magnolia coach Chito Victolero, umaray din sa tinuran ni Tab Baldwin na “tactically immature” ang Filipino coaches.

Lahat na, dismayado sa sinabi ng New Zealander na dating Gilas Pilipinas coach.

Sa Coaches Unfiltered podcast, binanggit din ni Baldwin na hindi maganda ang one-import-per-conference format ng PBA, at napapaboran daw sa tawagan ang reinforcements.

“Kanya-kanyang opinyon pero ‘di n’ya dapat sinabi in public,” ani Victolero, kampeon sa PBA Governors Cup noong 2018 at naging PBA Press Corps Coach of the Year ng PBA sa taong ‘yun.

“Dapat du’n, kung ano feelings n’ya, much better kung na-discuss in private.”

Naniniwala si Victolero na huhupa rin ang kontrobersiyang nilikha ni Baldwin, pero sa susunod ay isipin na niya kung may masasagasaan sa mga sinasabi. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?