40

Jun 19, 2020 @ 12:31
By

Baldwin bakit pinarusahan? Dick sumawsaw sa PBA

Kahit sa mundo ng palakasan ay may sey din si Senador Richard ‘Dick’ Gordon.

Sa tweet ng mambabatas nitong Biyernes, kinuwestiyon nito ang pagparusa ng PBA kay Ateneo head coach Tab Baldwin.

Ito’y matapos patamaan ni Baldwin ang ilang isyu sa liga tulad ng one import rule, pagpanig umano ng mga referee sa mga import, at tinawag pang ‘tactically immature’ ang mga coach sa PBA.

Dahil dito’y pinagmulta ng P75,000 si Baldwin, gayundin ang pagsuspende sa kanya ng tatlong laro bilang assistant coach ng TNT KaTropa.

Hindi nagustuhan ni Gordon ang parusa ng PBA kay Baldwin, na giniit na kung hindi man sang-ayon ang PBA sa pahayag ni Baldwin ay dapat na hindi na lang ito pinarusahan.

“The association should have looked at the message and not shot the messenger. You may not agree with him but you don’t penalize him,” giit ni Gordon.

Inisa-isa din nito ang mga accomplishment ni Tab bilang coach ng Ateneo, at nagsilbi din bilang Gilas Pilipinas mentor.

“I think he is one of the finest coaches that ever came in to the Philippines. Our players are good but they need coaching and they need to be disciplined. Not listening to him is our loss,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?