15

Jul 19, 2021 @ 20:23

Baldadong nene, sinalba ng mga pulis

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang mga pulis sa dalawang istasyon ng pulisya sa Abra na nagtulong-tulong upang matugunan ang pangangailangan ng isang 11-anyos na batang babae na may cerebral palsy.

Unang nalaman ang kondisyon ng 11-anyos na si Aileen Progreso nang mag-house to house visitation ang mga miyembro ng Peñarrubia Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Sta. Rosa nitong Hulyo 16.

Napagtuunan ng pansin ni PSSG Jaji Barbon ang bed ridden na batang babae at upang mapasaya ay kinuwentuhan niya ito ng good vibes at binigyan ng mga prutas at groceries.

Doon din nila nadiskubreng hindi pa napapatignan sa doktor ang bata dahil sa kakapusan.

Nalaman naman ni Police Cpl. Rochelle Venus Palino ng Bucay MPS ang kalagayan ng bata ng mabasa niya ang Facebook post mula sa Peñarrubia MPS kaya agad siyang nagsagawa ng “swap for a cause” program.

Ibinenta niya ang mga maliliit na damit ng kanyang anak kapalit ng pera at pangangailangan ni Aileen at personal niya itong dinala sa maysakit na bata.

Ayon kay Eleazar, ang ginawa ng mga pulis na ito ay pagpapatunay ng malasakit sa kalusugan ng bata.

Kahit sa simpleng paraan, nakatulong sila at napangiti nila ang mag-ina,” pahayag ni Eleazar. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?