29
tennis1
Jun 25, 2018 @ 20:02

Balce, 5 pa hahataw sa Jakarta jr. tennis

Sasabak ang anim na Pinoy netters sa International Tennis Federation-AGS Junior Tennis Championship sa Jakarta ngayong Hunyo 26 hanggang Hulyo 1.

Pinangunahan nina Unified Tennis Philippines player Manuel Balce III, Micheal Eala, Bea Acena, Melanie Faye Dizon, Alex Eala at Macie Carlos ang paglahok sa tournament.

“These young players have proved their skills and talent on the court and we are confident that they will bring honor to the country,” sabi ni UTP president Jean Henri Lhuiller.

Ang pagbuo ng national junior pool team ay parte ng pag-develop ng UTP ng mga bagong atleta para isabak sa local at international tournaments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?