1,224

By

Balatkayong kongresista! Drayber ng Nos. ‘8’ plate road rage, nahuli na

Sharing is caring!

Nakorner ng mga awtoridad ang suspek sa dalawang magkadikit na panggigitgit at pag-aamok ng isang lalaki gamit ang isang FJ Cruiser na may plakang number 8.

Naganap ang paghuli noong Martes ng gabi, at pinangalanan ang suspek na si Jojo Valerio, miyembro ng isang banda na may bansag na ‘Lil Eyes band’.

Sa Baketeers Bar and Grill sa Tarlac City naispatan ang suspek, na matagumpay na namanmanan ng tracker ng mga operatiba, at ayon rin sa mga biktima ay positibo ang pagkakakilanlan ng suspek.

Matatandaan na naganap ang isang insidente nang panggigitgit sa isang babaeng drayber sa Congressional Avenue sa Quezon City, habang may halos kaparehas din na insidente noong Linggo kung saan makikitang sinapak pa ang isang tsuper ng pulang kotse sa Angeles City, Pampanga.

Hindi tangan ni Valerio ang FJ Cruiser na kanyang ginamit nang mahuli ito ng pulisya, kaya’t patuloy pa itong hinahanap na magagamit bilang dagdag ebidensya.

Wala rin umano itong koneksyon sa Kamara, na dahil sa plaka ay napagkamalang opisyal o kamag-anak ng isang kongresista.

Kasalukuyang nakadetine si Valerio sa police station sa Angeles City habang hinahanda pa ang isasampang kaso dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?