473
abante-tnt-vismin-tilapia-skin
Aug 8, 2018 @ 12:46
By

Balat ng tilapia, mabisang panggamot sa nasunog na balat

Nagmukhang sci-fi movie ang 36-anyos na si Maria Ines matapos lagyan ng balat ng isda ang mga nasunog niyang balat.

Siya ang unang tao sa buong mundo na ginamot sa pamamagitan ng fish skin.

Nagtamo siya ng second-degree burns sa isang aksidente kaya nag-eksperimento ang mga doktor para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng pasyente.

Inilalapat ang balat ng tilapia sa balat ng pasyente na nasunog saka babalutan ng gasa.

Naglalaman umano ng mataas na antas ng collagen ang balat ng tilapia at high degrees ng humidity na nagpapabilis sa paghilom ng sunog sa balat at nagbibigay din ng importanteng protina.

Pero bago ilapat ang balat ng tilapia ay iba’t ibang sterilizing agents ang dinadaanan nito para mapatay ang viruses bago ito ilagay sa refrigeration.

Matapos malinis ay tumatagal umano ang balat ng tilapia ng dalawang taon, ayon sa Brazilian researchers.

Sa tradisyonal na aspeto, ginagamitan ng tissue ng tao at baboy ang grabeng sunog sa balat kung saan inililipat ang collagen, isang healing protein, sa balat ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?