7,311
ABANTE chikinini hickey banana peel
Jan 18, 2018 @ 10:31
By

Balat ng saging mabisang pambura ng chikinini

Alam n`yo bang mainam na pantanggal ng hickey o kiss mark ang balat ng saging?

Ito ay dahil sa may sangkap ito na pampapawi at pampalamig na maaring makatulong para maghilom agad ang love bite.

Paano? Maghiwa lang ng balat ng hinog na saging na ka-size ng love bite. Ilapat ang puti na parte ng balat ng saging sa apektadong balat sa loob ng 10-30 minutes. Gawin ito 2 or 3 times a day hanggang sa mawala ang chikinini.

* Bukod sa pangtanggal ng kiss mark ay nakakababa din ito ng cholesterol.

* Mas maraming fiber ang balat nito kumpara sa mismong saging kaya nakakatulong din ito para makaiwas sa sakit sa puso at stroke.

* Base sa mga pag-aaral, nakatutulong din ang banana peel sa pag-alis ng mga pimples.

* Mabisa rin itong pantanggal ng wrinkles.

* Dahil sa taglay na amino acids ay malaking tulong din ito para umaliwalas ang mood.

* Panlunas din ito sa sakit sa balat gaya ng rashes at mga kati-kati.

* May taglay din itong lutein, isang antioxidant na silbing proteksyon sa mga mata kaya pangharang din ito sa katarata at macular degeneration. (Merque Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?