85

Nov 28, 2017 @ 11:37
By

Balasahan sa BI personnel sa NAIA, isinagawa

Sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe sa nalalapit na holiday season, muling binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang may halos 500 mga kawani nito na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng programa laban sa katiwalian at para mapaghusay ang serbisyo ng kawanihan sa paliparan.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, “rotation scheme” ang kanilang ipatutupad na pagbabago sa assignment kung saan ililipat lamang ng ibang terminal sa NAIA ang mga kawani.

Lahat umano ng mga BI personnel sa NAIA ay kasali sa pagpapalit ng assignment.

Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, na aabot sa kabuuang 467 ang bilang ng mga kawani na sasailalim sa pagbalasa na huling ipinatupad noong buwan ng Hunyo.

Paliwanag pa ni Mariñas, 20% ng mga Immigration officer ay ilalagay sa bagong shift o oras ng trabaho.

“We assure the traveling public that we have enough personnel to man our booths at the airport during the holidays. But due to the big volume of passengers those long queues cannot be avoided, thus we urge the public to come to the airport early so they will not miss their flights,” dagdag pa ni Mariñas. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?