63

Nov 27, 2019 @ 15:53
By

Balanza, Saints angat sa NCAA All-Star Game

Nanaig ang Team Saints kontra Team Heroes, 113-111, sa NCAA All-Star basketbal game nitong Martes sa Mall of Asia Arena.

Mula sa 23 abanteng puntos, inararo ni two-time Letran champion Jerrick Balanza at RK Ilagan ang Team Heroes para idikit ang Saints 111-108 sa huling 28.8 segundo.

Sinubukan namang isalba ni former Arellano star Jio Jalalon ang laro matapos ipasok ang basket mula sa assist ng kanyang dating tandem na si Kent Salado upang pakabahin ang Team Saints, 111-110.

Pero kahit na nagawang idikit pa ng Team Hereos ay hindi naman sila nagtagumpay na kunin ang panalo matapos mamintis ang tira ni Salado.

Hinirang na MVP si Jerrick Balanza sa kanyang 14 puntos sahog pa ang apat na rebounds at dalawang steals.

“Ngayon lang ako ulit nag-basketball since Game 3,” ani Balanza.

Samantala, kinarga naman ni Grethcel Soltones ang Team Saints matapos bombahin ang Team Heroes kahapon 25-17, 24-26, 21-25, 25-17, 17-15 para sa pinaka-unang volleyball All-Star match ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?