28

Oct 15, 2020 @ 13:53
By

Balanse ng PhilHealth ‘di binabayaran, Red Cross awat sa COVID test

Nagpasya ang Philippine Red Cross na itigil na ang COVID-19 testing na sinisingil sa Philippine Health Insurance Corporation.

Ito anila ay dahil sa “inability” ng PhilHealth na bayaran ang “ever-increasing outstanding balance” nito sa PRC.

Kahapon ay huminto na ang Red Cross sa pag-test sa mga umuwing overseas Filipino worker, mga dumating sa mga airport at seaport, mga nasa mega swabbing facility, at mga frontline health at government worker.

Ayon sa PRC, hindi nila ipagpapatuloy ang mga nabanggit na serbisyo hangga’t hindi binabayaran ng state health insurer ang “overdue balance” nitong ₱930.99 milyon.

Higit isang milyong coronavirus test na ang nagawa ng Red Cross nationwide. Katumbas ito ng 25 percent ng COVID-19 testing na sinagawa sa ating bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?