27

By

Balangiga bells nasa Eastern Samar na

Sharing is caring!

Makalipas ang lampas isang siglo, muling nakasampa ang tatlong kampana ng Balangiga sa Eastern Samar.

Nqasa Guian, Eastern Samar na ang Balangiga bells, ang huling stopover bago ito dalhin sa bayan ng Balangiga at buksan sa publiko sa Sabado, Disyembre 15.

Sa report ng News To Go ng GMA News TV, dumating ang eroplanong lulan ang mga kampana sa Guian bandang alas-10:28 ng tanghali.

Ang Balangiga bells ay nagsilbing war trophy ng mga Amerikanong sundalo sa nangyaring trahedya sa Balangiga na ikinamatay ng ilang Kano at mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?