33
abante-tonite-balangiga-bells
By

Balangiga Bells, magandang regalo sa anibersaryo nito – Evardone

Sharing is caring!

Winelcome ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang intensiyon ng gobyerno ng Estados Unidos na ibalik sa Pilipinas ang Balangiga Bells.

Ayon kay Evardone, aabangan nila ang resulta ng pag-endorso ni US Defense Secretary Jim Mattis sa US Congress para sa pagsa-sauli ng ninakaw na “war trophy” noong panahon ng giyera sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Mainam anya kung maibabalik ang Balangiga Bells ngayong nalalapit na ang ika-127 anibersaryo ng Balangiga Encounter Day sa Setyembre 28.

“They rightfully belong to us as a symbol of freedom and justice. I hope that they will be returned to us in time for the 127 anniversary of the Balangiga Encounter Day on September 28. The return will hopefully finally erase the remaining irritant or vestiges of the Philippine-American War,” sabi ni Evardone.

Matatandaang noong December 2017 ay nilagdaan ni US President Donald Trump ang US National Defense Authorization Act of 2018, na nagbibigay ng kapangyarihan kay Mattis para desisyunan ang pagbalik sa 3 Balangiga bells.

Noong nakaraang taon ay ipinanawagan rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang pagbalik ng mga kampana sa bayan ng Balangiga sa Eastern Samar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?